ANG BUHAY ESTUDYANTE

snap1.jpgAYON SA TALAAN…

Kinder:

Cute na cute sa akin ang mga classmates ko. Wala akong award pero at least, hindi na ako takot kay Santa Clause!

Prep:

Marami naman akong nakuhang award dito. Halos limasin ko! Best in penmanship, best in deportment, most diligent, at bronze medalist. Hanep diba?

*first English phrase: ‘come one!’ (ano?! Laban kayo dyan ha?!)

Grade 1:

Kakaiba ang experience ko dito! Lumindol habang nagkaklase kami!

*unang katangahan habang lumilindol: naglalabasan na silang lahat ng sinabi ko to… “nahihilo ako, teka, bakit kayo lumabas? Bahala kayo basta ako dito lang kasi nahihilo pa ako” (natural! Gumegewang na kaya yung building!)

Grade 2:

Wala akong maalala… (not enough vitamins….)

Grade 3:

Tawag sa akin ng mga teacher ko eh bright girl! (anak ng!)… bakit nila ako tinawag na ‘bright girl’? simple lang, may tinanong ung teacher ko na may relasyon sa subject namin… ang sagot ko, “wala po”.

Top 3 at 4 ako sa klase.

Sumali ako sa spelling bee. Hindi ako nanalo pero mataas parin ang score ko.

*dun ko lang nalaman na tama pala ang spelling ko ng s-h-a-l-l-o-w. akala ko nanghuhula lang ako!

Grade 4:

Dito ko nalaman na mas magaling ako mag English sa Social Studies teacher ko. Nagpagawa sya ng assignment kung ano daw klaseng hayop ang gusto naming maging at bakit (ang laki ng koneksyon sa subject). Nag cut out ako ng lirato ng isda. At ang nakalagay dun, “because I like to experience how it feels to play underwater”. Tumawa ng malakas ang teacher ko! Sabi nya, ‘hindi naman lumilipad ang isda ha! Class babasahin ko sa inyo, “because I like to experience how it feels to PLY underwater”.

*first hair color: red. Buti na lang at hindi halata. Kung hindi pinagalitan na ako ng teacher ko kasi may braces sya! (koneksyon? WALA!)

*first awesome drawing: isang cartoon na lalaki. Nag imagine ako kung anong itsura ng lalaking taga Beijing at ang resulta ng aking drawing? Maliit na kalbong lalaking mas mahaba pa ang baba kesa kay babalu (rest in peace), at syempre singkit.

*first moral lesson: wag mo papakita sa klasmeyt mo ang drawing mo. Lalo na kapag kamukha nya yung nasa drawing. Mababatukan ka lang…

*first hiphop song: masta plan

  

Grade 5:

Wala narin akong matandaan…

Grade 6:

Sumali ako sa dance club. Pero hindi ako nakapasa sa official members. Pero ako parati ang gumagawa ng steps.. hahahhaha!!! Ano ba yan!

*first sport: badminton (talo)

1st year highschool:

Treasury ako ng dance club namin!

Proud ako dito dahil consistent akong top 8 sa klase namin! (iba ako pare!)

Uso pa si Jolina nun kaya ung mga accessories nya binibili ko lahat!

Nagkaron kami ng kabarkadang math teacher na nakikipag contest sakin na gumawa ng steps sa ‘Quit playing Games’… anak ng! hindi pala marunong sumayaw! Nasayang lang ang effort ko!

*sumali ako sa badminton: talo ulit

*favorite subject: algebra

2nd year highschool:

Treasury nanaman ako ng dance club naming!

Top 8 at 9 sa klase pero dahil nagpakopya ako (tatanga tanga kasi yung klasmeyt ko, pati computation sa math kinopya pa!), na suspend ako sa klase at kelangan ko tuloy mag stay sa guidance office ng isang araw.

May teacher akong ang tawag naming ay orocan!

Sumali ako sa spelling bee. Talo ulit!

*mag-ingat: nakakabobo pala sa guidance office

*favorite subject: Biology

3rd year highschool:

Sumali ako sa CAT. MP junior ako dun

Naging parte narin ako ng official dance group ng eskwela naming! (hindi ako treasury. Wala naman kasing officer!)

Nakilala ako dahil sa malupit kong moves (san ka pa!!)

Isa ako sa swerteng hindi nabunot para makipagtalo sa mga panel tungkol sa research ko! (automatic 90% agad! At ako pa ang naging panel sa mga klasmeyts ko! ASTIG!)

*favorite subject: fine arts

*extra curricular activity: journalism. Walang kwenta!

4th year highschool:

Ako na ang successor (leader) ng dance group naming! (ako ay nagpalaki ng isang kagrupo na manouvres na ngayon!)

MP senior na ako! (o eh ano?!)

Kala ko babagsak ako sa physics. Kasi tuwing physics subject na, lagi kong dinodrawing si dennis ng ghostfighter.

Pinag compose kami ng kanta para sa graduation

*favorite subject: CAT, Architecture

O magbabasa pa!! wala na!! tapos na!! yung gusto magkumento umpisahan nyo na kung ayaw nyong kutsarain mo kayo!

1 Comment(s)

  1. no comment


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a comment